Umabot na sa PGH ang Kaepalan ni Go

Dear Bong Go,

Walang hanggan ang kaepalan no? Libreng kampanya ang gawain. Hindi pa kayo nakuntento sa pagkalat ng posters, t-shirts, notebooks, tarpaulins at kung ano-ano pang campaign materials, talagang pati hospital pinasok niyo na.

Sinamantalahan mo ang mga may sakit at mahihirap na pamilya na nandoon.

At ano ang karapatan mo para ibalandra ang pagmumukha mo sa sa health card na pinamimigay?

Pera mo ang ginastos diyan? Epal ka!

Samantala ang mga tao tubig na lang ang iniinum,ikaw naman naglilibot ng kaepalan!

Yamot sa mga Epal,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *