Ulyanin or Sinungaling?

Dear President Duterte,

Feeling ko mukhang ulyanin na po kayo. Kailangan niyo na pong magpacheck-up. Just to remind you, kayo po ang nagsabi na hulihin ang mga tambay.

Di ba nga sabi mo not to interfere with your policy? Inaway mo pa nga ang CHR eh. Tapos nang namatay si Genesis, yung nahuling tambay.

Bigla nagbago na naman ang tono niyo.

Luh, sinungaling ka po. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Genesis. Nasa mga kamay mo ang dugo nang kanyang pagkamatay.

Hindi kailangan nang bansa ang ulyanin na presidente, lalo na siguro ang sinungaling na presidente.

Hindi isang laro ang pamamalakad ng isang bansa. Buhay ang nakataya dito no.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *