Turning DDS Bashing To Blessing

Dear KaPAB,

Member po ako ng Team Pilipinas. A few months ago nang nagsimula ang lockdown, nagplano po ang grupo namin na tulungan ang mga jeepney drivers. Kasi sila ang isa sa mga apektado ng pandemya.

Sa akin naasign ang pamimili, pag packed at pag distribute ng relief goods, ang ibang kasamahan ko sa Team Pilipinas ay siya namang nangangalap ng pondo.

To date, nakapag-bigay na kami ng 1500 packs sa ibat-ibang panig ng Metro Manila. Iyan ay dahil sa mga donors na nagtitiwala sa Team Pilipinas.

Minsan, dinadaanan namin yung mga namamalimos sa kalye ng Caloocan City. Mula sa C3 papunta sa Mabini hanggang Sangandaan binabaybay namin para mamigay ng relief packs na may kasamang face mask.

Minsan naman nakakarating kami sa Avenida Avenue sa Blumentritt. Kasi marami ding namamalimos doon.

Inaabot kami minsan ng gabi sa pamimigay. May takot din sa dibdib baka magka Covid kasi di maiiwasan magkaroon ng contact sa pamimigay. Sa awa ng Diyos, wala pa naman.

Minsan nakikipag usap din kami sa Piston at nagtatanong kung saan pa ang mga jeepney drivers na kailangan ng tulong. From Fairview, Mandaluyong, Quiapo, Tondo, Marikina ay pumupunta kami at pumipila sila habang tinatanggap ang relief packs.

Here is a funny story.

If you open my blog nitong mga nakaraang linggo, makikita niyo ang pic na ito.

Tinanggalan kasi ako ng monetization ng Facebook for 4 months at recently lang binalik. So I asked help para pambayad sa website monthly.

May mga grupo na DDS na nagplano na insultuhin ako, by sending me one peso with insulting messages. They believe na they can insult me through that act.

Below ay ilan sa mga message na pinapadala nila. I guess they forgot na their name and number will appear.

Nakatanggap ako ng mga 600+ na tag-piposo from DDS na may kasamang insulting messages. I don’t mind kahit insultuhin nila ako kasi ang tagpipiso nila ay ginamit ko pambili ng faceshield na isasabay ko sa mga relief packs namin for jeepney drivers.

Yung GCash ko naging GBash tuloy, kasi cash na may kasamang bash na. Hehehehe.

Yung insulto nila sa akin naging blessing pa para sa iba. Yung piso nila na akala nila masasaktan ako, ay siya ang ginamit ko para makatulong sa iba.

In fairness may mga taong tumulong talaga sa pagbili ng faceshield without insulting me. Kaya nakaipon kami ng 200 faceshield para sa mga jeepney drivers. God bless sa mga taong ito.

Patuloy na tutulong ang Team Pilipinas hanggang may mga donor na nagtitiwala sa amin.

Sabi nga ni Busy Presidente Leni Robredo, tulong-tulong tayo sa pag-ahon.

#TsuperNgBayanHuwagPabayaan

Natatawa ng Slight,

PAB