Tumira na naman siguro ng Fentanyl

Dear President Duterte,

Sir naman linggong linggo, sabog po ba kayo? Bakit po kayo nagwawala sa imbestigasyon ng Ombudsman? Sabi nga ni Ombudsman Morales.

Pero sa mga pagwawala niya parang may kaba kayo ha. Dahil kaya dito?

Hala ka, paano mo yan ipapaliwanag. Resibo.

Sabi niyo pa kanina,

Wala pong nambobola sa inyo. Sign the waiver, tapos ang problema niyo. Kami nga po ang binobola niyo eh.  Eto yung statement  niyo kanina.

Weh?  Talaga?  Wala kayong corruption? Mamatay? Resibo.

Inamin mo noon na marami kang ninakaw di ba? Pero naubos na. Nagsinungaling na naman kayo, linggong linggo.

Sabi niyo pa mag resign si CJ Sereno at Ombudsman Morales. Resibo.

Bakit naman po sila magreresign, eh wala naman silang kasalanan. They are just doing their job.

Alam niyo po, pirmadong waiver mo lang, tapos na ang problema, yun kung wala kayong tinatago. Pero pag may tinatago kayo, patay kayo, lagot!

Puwede palang hindi magsubmit sa authority na ang dahilan ay “lousy thing”? Resibo.

Tapos pinagbantaan mo pa si Mr. Carandang. E binasa lang naman niya ang bank records na galing sa AMLC. Resibo.

At saka sa tingin niyo pa, hindi pa nagkakanda leche-leche ang Pilipinas ngayon?  Luh, sya bulag sa katotohanan, kaliwat kanang patayan, pataas na presyo ng bilihin hindi magandang lagay ng ekonomiya. Sa tingin niyo po, matino ang bansa sa pamamalakad niyo?  Wag in denial.

Tapos eto na naman lumabas na naman ang ugaling Misogynistic niyo po. Resibo.

Mr. President kung wala ang mga babae, wala po kayo sa mundo, unless galing ka sa kawayan or nuno sa punso. Inis kayo sa mga babae e ang hilig hilig niyo nga sa mga babae di ba? Resibo.

Daming inconsistencies, sa mga sinasabi niyo. Ulyanin na po ba kayo? Aba, kung ganyan, mamahinga na po kayo, ok lang sa amin.

Iwasan kasing, magsinungaling kasi may premyo sa resibo!

Resibo Girl,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *