Tuloy-tuloy Ang Dating Ng Tulong Mula Sa OVP

Dear KaPAB,

Hindi natitinag si VP Leni sa pagtulong kahit pa walang tigil ang mga trolls sa pagpapakalat ng mga fake news tungkol sa kanya.

Ang pinakalatest sa fund drive na ginawa ng OVP ay:

 

Agad na namigay ang Personal Protective Equipment ang OVP sa ibat-ibang hospital sa Metro Manila.

So far eto ang mga hospital na nabigyan na. Hindi rin pinabayaan ang kalusugan ng ating mga frontliners, kasi bukod sa free shuttle bus pati food packs nagpadala din ang OVP.

 

[A] Maraming salamat sa lahat ng ating mga #AngatBuhay partners at mga kababayan na nagpadala ng pagkain para sa ating mga frontliners!

Nakapamigay ng 13 piraso ng 4-liter milk para sa mga health workers ng St. Arnold Janssen Kalinga Center; 37 na frozen pasta and 141 na pastries para sa health workers ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital; 100 na food packs para sa mga health workers ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center; at 100 na food packs para sa mga health workers ng San Lazaro Hospital. Nakapagdala rin  ng mga food packs para mga uniformed personnel na nagmamando sa mga checkpoints natin sa Metro Manila.

Mula pa noong March 16, dagsa ang mga donasyon ng food packs sa mga frontliners din natin sa Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, St. Luke’s Quezon City, Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Hindi lang yun, nakita ni VP Leni Robredo, ang kakulangan natin sa extraction kits. Kaya kahapon ay naghatid ng tulong ang Tanggapan ni VP Leni Robredo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), na pangunahing nagsasagawa ng testing para sa #COVID19.

Kabilang sa assistance na ating ipinaabot sa RITM ay mga personal protective equipment (PPE) sets para sa kanilang mga frontliners, at ang extraction kits na kakailanganin sa pagsasagawa ng testing.

Naglaan ang OVP ng higit P5.3 million para sa mga kits na ito, na makakatulong sa pagkuha ng samples para sa tinatayang 12,750 tests.

Para kay VP Leni, dapat isa sa mga maging prayoridad ng pamahalaan ang massive testing sa mga komunidad, upang masiguro na maihihiwalay ang mga may sakit. Isa itong mahalagang hakbang, lalo na’t karamihan ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay naitala sa Metro Manila, kung saan maraming mga high-density areas.

Nakakataba ng puso na kahit lagi siyang nilalait nila Mocha, Krizette Chu at ang ibang DDS trolls, walang pagod na naghahatid ng tulong si VP  Leni Robredo sa ating mga kababayan.

Salamat VP Leni Robredo sa pagmamahal mo sa bayan.

Humahanga,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *