Tuloy ang Laban

Dear KaPAB,

Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong nararamdaman. Naaawa ako na nagagalit.  Naaawa ako sa kay Kian kasi mukhang malabo na yata na makuha niya ang hustisya.

Nagagalit ako kasi sinamantala ng mga nasa kapangyarihan ang kawalang pag-asa ng mga mahihirap.

Pero kung babalikan natin ang mga pangyayari si Kian at ang pamilya niya ay solid Duterte supporters.

Pero ang pagiging supporter nila ay hindi nagligtas kay Kian sa kamatayan. Kahit sino pala sa atin puwede maging Kian.

Ang pagkamatay ni Kian ang naging simbolo ng paglaban kumbaga para syang naging hudyat sa mga Pilipino.

Sa pagkausap ni Duterte sa pamilya ni Kian sa Malacañang, napatunayan ko

tinutubuan din pala ng takot ang Supremo. Bakit?  Balikan natin ang laban natin. Sa sobrang takot ng administration ni Duterte lahat ng trolls, all hands on deck. Mula sa pagbalahura ng alala ni Kian hanggang sa paninira sa pamilya niya. Kahit ang libing ng bata ay hindi pinatawad.

Pero alam nila na sawa na ang mga tao sa fake news at hindi na kaya ang laban sa propaganda. Habang sinisiraan nila si Kian, lalong nag -aalab ang galit ng mga tao. Last solution na naisip nila ay si Poon Duterte na ang kakausap.  May mga nagsabi na binigyan daw ng 3 million plus bahay at hanapbuhay, pero ayokong maniwala. Walang matinong magulang na ipagbibili ang hustisya nang kanilang anak.  Kahit 20 million pa yan, hindi na maibabalik ang buhay ni Kian.

Kanina nang malaman ko parang gusto kong sumuko sa pakikipaglaban, kaya lang ang laban na to, ay hindi lang si Kian, para din to kay Danica, Trisha Mae, Raymart at sa halos 13,000 na na biktima ng EJK.

Hindi natin alam kung nagkakaroon pa ng hustisya si Kian, pero at least napatunayan natin na kaya nating talunin ang troll farm at mga propagandista. Puwede din pala silang kabahan.

Pasensyoso na may pagka masokista ang Pinoy. Pero iba din pag mapuno tayo. Ilang beses na natin yang napatunayan.

Tuloy pa din ang laban sa kasinungalingan. Tuloy pa din ang laban para sa katarungan, para kay Kian at sa libo libong biktima. Ganito po kadami ang 12000-13000.

Ganito kadami na po ang nangangailangan ng katarungan.

Tuloy pa din tayo.

Nanlulumo pero hindi Susuko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *