Tuloy Ang Laban para sa Bayan

Dear KaPAB,

This last few days, ang daming nangyari. I had to step back and ask myself if this fight, is worth it pa ba. Then  I realized that this fight is not about me pala. Hindi naman to tungkol sa akin eh. Tungkol ito sa paglaban sa kasinungalingan at pang aabuso.

PAB had been the voice of so many individuals. Mga taong sawa na sa fake news, mga taong nakakaramdam ng hirap dahil sa pabagsak na ekonomiya,mga taong may mga kamag-anak na nawala dahil sa EJK, mga taong takot magsalita kasi natatakot mabash, naging tahanan nila ang PAB. Hindi iisang tao si PAB. Tayo si PAB.

Hindi ko na iisa-isahin kung ano ng ang naging epekto nito sa buhay ko, sa pamilya ko at sa pagkatao ko. I will not play sympathy cards with you guys, kasi hindi ako yun. I asked my mom, kasi kung sakaling ipagpapatuloy ko ang advocacy na to, siya ang maapektuhan, at hindi ko kakayanin yun.  But when she said “laban lang” nagkaroon ako ng lakas na magpatuloy.

I will continue blogging, sama -sama natin labanan ang fake news at pang aabuso.

Kasabay ng pagsusulat ko, lalaban din ako sa paraang alam kong tama. I have talked with friends na rin. Kasi kung nagawa nila to sa akin na isang pribadong indibidwal at papabayaan ko lang, gagawin nila ulit  to sa iba. Bawat magsasalita ng hinaing against sa gobyerno ay maaari rin nilang sirain ang buhay.

Hindi ko alam kung bakit tinotolerate ng Presidente ang pambubully ng mga alipores niya. Galing ba sa kanya ang instructions to do this? I hope not.

In numbers, compared sa mga bigtime bloggers konti lang tayo. But it does not matter, ang importante tamang impormasyon ang nanggagaling sa atin.

Napagtanto ko na sa laban na to hindi pala ako nag-iisa, madami tayong nangangarap na magkaroon ng bayan na ligtas at lumalaban para sa katotohanan.

Lastly, maraming salamat sa lahat ng suporta from relatives, friends and even strangers. Sa mga lawyers na nag offer ng tulong, salamat po.

Tuloy ang laban. Tuloy ang pagka yamot sa mga balahura. Tuloy ang pagdarasal na magka korikong ang mga mapang abuso sa lipunan na ating ginagalawan.

Sugatan man pero Palaban,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *