Tulong Sa Mahihirap Hindi Sapat

Dear KaPAB,

Siguro kahit DDS o Dilawan ka man, alam natin na nahihirapan na tayo sa DUTERTE tax law or TRAIN.

Ang taas ng mga bilihin, ito ay dahil sa karagdagang buwis na pinataw sa petrolyo dahil sa TRAIN. Sa Pilipinas na halos lahat ng produkto na gumagamit ng transportation talagang magtataasan ang presyo ng bilihin.

Nagbigay ng tulong ang gobyerno na 200 pesos na monthly na tulong, pero hindi ito sapat kasi lumalabas lang na 6 pesos araw-araw, kulang pa sa pamasahe sa jeep.

Naghain si Senator Bam ng SBN 1798 na kahit papano maibsan ang hirap na dinadanas ng ating mga kababayan.

Ang SBN 1798, ay sisikaping i-suspend at i-roll back ang mga buwis na pinataw sa ating petroleum products based on inflation, kasi yung inflation natin ngayon ay lagpas na sa acceptable target range ng BSP na 4%, nagyon nasa 4.6% na tayo.

Ang panukala ni Senator Bam ang pipigil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo na magreresulta sa pagpigil sa pagtaas ng bilihin.

Mula sa edukasyon hanggang sa simpleng nakaw load pinapakita ni Senator Bam Aquino na mas importante ang kapakanan ng taong bayan.

Kung talagang may malasakit si Pangulong Duterte sa mahihirap hindi siya magdadalawang isip na pirmahan ang panukala ni Senator Bam.

Dito magkakaalaman kung sino nga ba ang may tunay na malasakit sa taong bayan.

Sana sa 2019 midterm election wag na tayong magpapaloko. Piliin ang nagtatrabaho para sa bayan. Piliin yung tunay na may malasakit.

Hindi ako mahihiyang magsabi sa inyo na, na number 1 si Bam Aquino sa listahan ko sa senador.

Pilipinong Naghahangad ng Mabuting Pagbabago,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *