Tsuwariwap’s Wife

Dear Mariel Padilla,

I read your post sa FB na sinabi mo na si Robin mismo nagbayad ng ticket at hotel niya sa travel sa Russia. At least kahit alalay lang sya dun OR “Tsuwariwariwap” at least nakatipid ang gobyerno sa kanya. Ang binayaran na lang siguro ng gobyerno ay ang land transportation niya sa paglilipat from one venue to another.

Yung po bang resibo ng plane ticket na binayaran ni Robin kasama na po ba dun ang ticket at accommodation ni Rommel Padilla?  Your brother in law?

Anyways, the reason why I’m questioning the presence of your husband kasi wala naman syang personality sa gobyerno pero bakit sya nandoon and talking sa mga event as if may position sya sa gobyerno ng Pilipinas.

At kung magtanong man ako karapatan ko yun bilang tax payer.

At hindi po ako stupid blogger. Mulat na blogger po ako. Ramdam ko ang paghihirap ng bansa kaya ako nagsusulat. Nakikita ko ang mali sa pamamalakad kaya ako nagsasalita. Hindi po ako stupid, Ms. Mariel Padilla.

Alam nyo po kung ano ang stupid?  Yung taong walang loyalty sa kaibigan. Yung pagiging backstabber po?  Yun stupid po yun. Yung naninira ng isang kaibigan dahil sa inggit sa katawan?  Yun stupid po  yun. Yung naiinggit na may solo show ang iba tapos maninira dahil nilunod ng MEGA inggit ang puso, yun stupid po yun.

At ang pinaka stupid sa lahat, yung sinusuportahan ang pambabalahura ng Presidente sa mga Amerikano pero pagdating ng araw magmakaawang mabigyan ng US visa. 😏😏😏

Kaya for sure naman kung may stupid po hindi ako yun.

Galit sa Inggitera,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *