Trolls Aktibo Na Uli, Pagkatapos Ipahamak ang mga OFW sa Kuwait

Dear DDS Trolls,

Bumida na naman kayo sa panlalait kay VP Leni no. After niyong ipahamak ang mga OFW balik pambabastos kay VP Leni uli.

 

SASS ROGANDO SASOT

 

Nag aral ka sa ibang bansa, pero ganyan lang ang abot ng diskurso mo.  Isang may malasakit sa OFW pero tuwang tuwa nang macancel ang MOU between Kuwait and Philippines.

Binasa mo man lang ba ang MOU bago ka nagcomment? Alam mo ba na kung napirmahan yan, yung mga domestic worker natin sa Kuwait magkakaroon sana ng day off, once a week. At ang mga employer nila doon ay bibigyan sila ng sapat na oras na matulog, at least 7 hours a day. Ayaw mo bang gumaan ang kalagayan nila doon? Wala kang awa sa mga kababayan natin doon.

 

THINKING PINOY

 

Makapal ang mukha? Kinakausap mo ba sarili mo? Ikaw na hayok sa likes at engagement? Nang dahil sa pagiging famewhore mo, 4 na driver ang nakakulong ngayon. Pinost mo ang covert operation, at wala ka man lang pagsisisi na nilagay mo ang buhay ng mga Pilipino sa kapahamakan.

Sino ngayon ang makapal ang mukha? Tinira mo pa ang speech ni VP Leni Robredo.

Pero yung shoot the vagina na speech ni Duterte deadma ka? Hindi siguro sanay ang tenga mong makinig ng speech na walang kabastusan no?

Kung may makapal man ang mukha dito ikaw po yun, kasi kapahamakan ang dinala mo sa mga OFW doon.

 

MOCHA USON

 

Ikaw naman, amo mo talaga si Cayetano no? Pareho kayo ng narrative. Ililihis niyo ang issue ng kapalpakan niyo. Sinabi lang ni VP Leni, na mali ang ginawa niyo at dapat ayusin doon kung anuman ang gulo kasi nga ang buhay ng mga OFW ang naka salalay doon. Ikaw ang loyalty mo sa kay Duterte, si VP Leni ang kapakanan ng bansa ang sinasa alang-alang. Hindi kaplastikan ang icall out ang kapalpakan na ginawa niyo sa Kuwait.

Baka nakalimutan mo na ang video mo ang nagsimula sa kapalpakan. Eto oh ikaw ang pasimuno you promoted it.

Dahil sa FB live mo yung mga envoy natin na nasa video ay may kasong kidnapping ngayon sa Kuwait. Alam mo ba kung anong parusa sa Kuwait ng kidnapping? Bitay. Kaya kung may dapat sisihin man dito kayo yun.

Naisip mo man lang ba ang kalagayan ng 4 na driver na iniinterogate doon ngayon habang nakakulong? Si VP Leni iniisip niya yun kaya sinasabi niya kung saan kayo nagkulang.

Kayong tatlo ang nagpahamak sa mga kababayan natin doon. Kayo ang dahilan kung bakit napatalsik ang ambassador natin doon. Sa kagustuhan niyong matakpan ang kapalpakan niyo doon, si VP Leni naman ang pinagtutulungan niyong balahurain. Imbes mag-isip kayo ng solution kung paano mapalaya ang mga kawawang driver, nambabastos pa kayo ng taong naghahanap ng solution sa problema.

Pinahamak niyo na, hindi pa kayo nagsisi, tuwang-tuwa pa kayo na hindi natuloy ang MOU tapos ngayon hayahay kayo dito sa Pilipinas habang nililihis ang issue sa pagbastos sa Bise Presidente. Tindi niyo mga bes! 🙄

Yamot sa Sobrang Kapal ng Apog,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *