Traydor sa Bayan

Dear Secretary Cayetano,

May tanong lang po ako. Spokesperson ba kayo ng China? Kasi halos lahat ng mga sinasabi niyo pabor sa China eh.

You admitted that you wanted to exclude concerns on China’s land reclamation and militarization activities in the joint statement. Kasi sabi mo yun ang instructions ni Duterte. Bakit?  Eh teritoryo natin yun di ba?  Napanalunan natin yun sa International court.

Sabi niyo pa

“I did not want to include it… They (China) are not reclaiming land anymore. There are reclamations in the past.”.

Sinungaling ka, reclamation never stops. Ayan oh may mga sattelite images .

Mula 2016 up to now ongoing pa din ang reclamation. Pinagloloko niyo ang taong bayan para lang majustify ang pagiging tuta niyo sa China.

Eto pa oh, tapos sasabihin niyo palpak ang mga image kasi hindi pinapakita ang details, another palusot na naman.

Paano niyo makikita ang details eh di ba nga hindi natuloy ang pag jetski ng Poon mo?

Buong mundo humanga sa atin ng pinaglaban natin ang ating karapatan noong nakaraang administrasyon, at lahat nagbunyi noong nanalo tayo. Pero ikaw at si Presidente Duterte, sinayang ang lahat ng yun.

Kung hindi mo lang naman kayang gampanan ang pagiging isang matinong DFA secretary, magresign na lang po kayo at mag apply bilang spokesperson ng China.

Hindi kayo kawalan dito sa Pilipinas!

Yamot sa Duwag na Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *