Travel Junket Na Naman

Dear Secretary Dominguez,

Kumusta po ang travel niyo sa London? Malamig ba diyan?

 

Pumunta kayo diyan para manghikayat ng investors? So anong papel ni Pia Cayetano? At kailangan talaga, sangkaterba kayo? Balitaan ko lang kayo habang nagliliwaliw kayo diyan ganito po ang nangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

  1.  Ang foreign funds po natin milyones na po ang nawawala. Para tayong may ketong na pinandidirihan ng foreign investors.

2. Sobrang baba na po ang pera natin compared to dollars, ibig sabihin nito tataaas na naman mga bilihin. Dollars ang pinapambili ng mga negosyante sa oil sa world market. Pag tataas ang gasolina, tataas din ang bilihin.

 

3. Pinaka worst na po ang Philippines Stock. Kung dati rising tiger tayo ngayon,  tayo ang may ekonomiya.

 

 

 

4. At yung sinasalaksak niyo po sa amin na TRAIN 2, pag naimplement pala yun madami ang mawawalan ng trabaho. Galing na mismo yan sa DOLE ha.

 

Ang taas na nga ng mga bilihin tapos madami pang mawawalan ng trabaho, so paano kakain ang mga Pilipino? Balak niyo ba silang patayin sa gutom?

Yan lang naman po ang nangyayari habang kayo ang dami niyong nagliliwaliw diyan sa London. Masarap po ba ang chicken joy? Buti pa kayo, yung iba dati halos one day one eat na lang sa taas ng bilihin.

 

Yamot sa mga Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *