TRAIN na Pahirap sa Bayan

Dear President Duterte,

Sabi mo dati ang TRAIN ang pinakamagandang regalo mo sa mga Pilipino. Bakit ngayon sobrang hirap ng mga tao? Yan ba ang regalo? Nasa first phase pa lang kayo ng implementation, halos hirap na  hirap ang mga mamamayan. How much more pag phase 2 na? Karagdagang taas ng buwis na naman.

Ang taas na ng presyo ng gasolina.

Malapit ng mag P50/liter ang diesel. Ang mga mahihirap diesel ang gamit sila ang mas mahihirapan sa pagtaas nito. Oo maaring tumaas ang presyo ng krudo sa world market. Pero kung walang TRAIN ang presyo ay maaaring P41/liter lang sana. Pero dahil kailangan makabayad sa mga pinag uutang mo sa China, nag impose ka ng karagdagang buwis. Ngayon kami ang naghihirapan.

Ngayon sobrang palpak ng economy natin sa palitan ng peso at  dollar, lalo pang tataas ang presyo ng oil kasi dollar ang ginagamit natin na pambayad.

 

Sabihin mo sa amin, na bakit sa lahat ng decision mo laging pabor sa China. Mula sa teritoryo hanggang sa ekonomiya. Nilulubog mo sa utang ang bansa, ok lang sana kung kasama ka namin na magbabayad nito hanggang sa huli. Saan aabot ang 200 monthly na tulong mo sa mahihirap aber? Wala kang awa.

Tama nga ang sabi niyo, pag mahirap mamamatay sa administrasyon niyo.

Wala ka palang pakialam eh, e di magresign ka na lang. duh.

Yamot sa mga Tampalasan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *