TRAIN na Hindi Pinag-aralan ng DOF, Pahirap sa Bayan

Dear President Duterte,

Minsan mo nang sinabi sa amin na maghahire ka ng the best and the brightest sa cabinet members mo. Sabi mo pa wag mag alala sa ekonomiya. Bakit tayo umabot sa ganito?

Yung economic team mo, hindi pinag-isipan ang epekto ng TRAIN.

Yung staple food ng mga Pinoy ay sobrang taas na. Hindi man lang ba nasabi sa inyo ni Secretary Dominguez yan? Hindi kayo nainform na tataas ang inflation dahil sa TRAIN.

Tapos sinasalaksak na naman ang TRAIN 2, na puwedeng tumaas ang unemployment rate kasi maaaring ilipat na ng ibang kompanya sa ibang bansa ang operation nila, tataas pa ang kuryente. Dilim, Gutom, Patayan.

Ang masaklap pa may kasama pang Federalism tapos same economic team ang magdedesisyon kung ano ang epekto nito sa ekonomiya.

Hindi nga pinag-aralan, ang TRAIN, Federalism pa? Yung mga nasa laylayan ang kawawa.

Nilagay mo ang bansa sa kapahamakan, Mr. President.

Yamot sa Incompetent,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *