Trabaho ba to ng Assistant Secretary?

Dear Ate Mocha,

Hi po! Balita ko lagi po kayong sumama sa bawat lakad ni Tatay Digong.

Ate Mocha, pinapaalala ko lang po ha. One of the function po ng office nyo according to Executive Order No. 4 issued in 2010, is “Developing mechanisms for the dissemination of information relating to the policies and achievements of the President and the Executive Branch.”

So ang pagtulog po ba ng presidente ay achievement sa inyo po?

How about po ang pag sound trip? Or pagsuot ng hindi tamang sapatos sa uniform, achievement po ba yan? Ate Mocha naman your salary is 130k per month with travel perks here and abroad, sulitin mo naman po ang sweldo na binibigay sa inyo.

Why don’t you start writing for government website like PNA, yung PCOO website niyo OR write a credible news for the government?  That’s your function as Asec.

Kung alam lang namin na ito lang ang gagawin niyo po eh di sana kumuha na lang ng PA or Yaya si Tatay Digong. Mas makakamura pa ang taong bayan.

Kung gusto niyo naman umattend ng mga liga like this.

Then kumandidato kayo pagka kapitan OR mag paassign kayo sa sports department.

All I’m saying is that kung ang trabaho na gagawin mo is to post ang pagtulog at pag soundtrip ng pangulo, mukhang lugi naman ang taong bayan, di ba?

Inuulit ko po hindi po kayo Yaya at si Tatay Digong ay hindi po baby na pati pagtulog ay binabantayan niyo.

Imbyerna sa Sobrang Sipsip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *