Top 3 Propagandists ni Duterte, Topnocher sa Kapalpakan

Dear DDS Propagandists,

Eto ha, habang nagkakagulo ang embahada natin sa Kuwait kayong tatlo ay paepal pa din.

SASS ROGANDO SASOT

Nag-aral ka ba tala ng masters sa International Studies sa abroad? Luh, siya kung ano-ano ang sinasabi.

Alam mong ang pinag uusapan dito ay kung ano ang tama. Kasalanan niyo kung bakit nasa bingit ng alanganin ang mga buhay ng OFW yun. Sa sobra niyong pabibo post agad sa social media. Ngayon jinajustify ninyo ang kapalpakan niyong tatlo?

We violated Kuwait’s local laws in the guise of protecting our people. That’s essentially encroachment of Kuwait’s sovereignty.

Sigaw tayo nang sigaw na respetuhin ng ibang bansa ang ating soberenya pero hindi natin magawang respetuhin ang soberenya ng Kuwait.

Baliktarin natin, supposing may ibang lahi na minaltrato dito sa Pilipinas. Halimbawa, Indian working for a Philippine Corporation. Kinulong ng kumpanya. Instead of calling our police, embassy officials of India decided to go to the Company para itakas yung Indian.

Di ba maiinsulto tayo kasi parang sinabi ng India hindi natin kayang protektahan yung kanilang mga nationals kaya kelangan sila ang gumawa ng hakbang?

Kung sa atin nangyari yan baka una ka pang magmura. Huwag mong baluktutin ang tama, para majustify lang ang kapalpakan niyo!

THINKING PINOY

Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi nito ha.

Ikaw na isa sa mga dahilan kung bakit nakakulong ang dalawang Pilipino sa embahada kasi famewhore ka! HindI mo man lang naisip ang pagiging hayok niyo sa likes sa social media ay magdadala ng kapahamakan sa mga OFW at sa embahada natin doon.

Ngayon wala na tayong ambassador doon, sino sa tingin mo ang tatakbuhan pa ng mga OFW natin doon? Almost 200,000 workers ang nandoon na dinala niyo ang buhay nila sa alanganin.

Sasabihin mo pang hindi ka nagsisisi? Sabi mo dati DFA needs you more than you need them, weh? Wala ka na nga sa DFA kamalasan pa dala mo eh.

MOCHA USON

Alam ko girl na nandoon ka. In fact alam mo na may covert operation, kasi nga pinangalandakan mo pa nga sa video di ba? Mula sa simula alam mong may rescue operation at sumama ka. Nirecord mo din sa video.

Dahil wala kang alam, syempre post mo agad sa social media. Hindi mo man lang inisip na meron tayong almost 200k na OFW doon na maari nilang ikapahamak ang ginagawa mo. Under the office of Malacañang ka, sana man lang nag-isip ka.

Tapos nagpost ka pa ng fake news, sinabi mong ok na.

Yun pala mas malala ang nangyari kasi yung ambassador natin ay persona non grata na sa Kuwait. At kung nanood ka ng news kagabi, malalaman mo na the Persona Non Grata pala in diplomatic terms is not a Persona Non Grata on the person of Amb. Villa but on the COUNTRY.

Oo, dinamay niyo ang lahat ng Pilipino sa kapalpakan niyo. Lalong lalo na ang mga OFW.

Ayan oh, cancelled na ang isang programa na sana makakapagpabago sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Kuwait.

Tapos ngayon imbes pagsisihan ninyong tatlo ang kapalpakan niyo, kayo pa ang mayayabang na magjustify ng mga mali ninyo.

Top tier propagandists, topnocher sa kapalpakan.

Yamot sa mga Epal,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *