Top 3 Finalist na lang sa MRT

Dear Senator Grace Poe,

Halos isang taon na po naghihirap ang mga mamamayan sa M8RT. Ilang hearing na po ang ginawa ng committee niyo, from 28, naging 15 then magic 8, ngayon 3 finalist na talaga. Beauty pageant ba sa inyo ang MRT?

Ang hirap po kasi ng takbo ng hearing niyo nagconcentrate kayo kung sino ang masisisi instead of solusyunan kung ano ang existing na problema. Sabi niyo may depekto ang train ng Dalian. Kaya hindi magamit. Luh, fake news po yun. Eto po yung train di ba?


Tumatakbo kaya, so puwedeng magamit. At saka mismo MRT management na ang nagsabi na puwede eh. Resibo.

Di ba sinabi na yan sa hearing niya so bakit niyo pa rin ipapasoli? Luh sya, magsasayang ng pera.

Ngayon po parang kayo na ang spokesperson ng MRT oh. Resibo.

Nakita ko po ang mga spare parts na sinabi niyo. Eto po ba yun?

WD-40 and standard sealant? Luh, di ba meron din niyan locally? Bakit po natagalan sa procurement? Yun dapat ang mga tinatanong niyo sa hearing. Ang tagal na naghihirap ang riding public eh.

Eto po ha, libreng advice po.

1. Huwag kayong maniniwala sa fake news. Base sa video, tumatakbo naman ang mga Dalian trains.

2. Huwag na kayong manisi sa nakaraang admin, kasi 2 years nang nakaupo ang current admin at 2 years niyo pong pinag uusapan ang problemang ito.

3. Gayahin niyo po si Senator Nancy Binay pinapanagot si Tugade pag pumalpak pa ulit.

Kasi yun ang dapat.

4. Huwag na kayong fixated kay Secretary Mar, nananahimik na yung tao sa buhay niya ngayon. Kayo na ang nandiyan, kayo na dapat magresolba.

5. Huwag niyo pong hintayin na may manalong Miss MRT at isang tren na lang ang maiwan. Maawa kayo sa mga tao. Solusyon ang kailangan. Puro hearing, puro sisi, wala namang solution. Pukpokin niyo si Secretary Tugade at tantanan niyo na si Secretary Mar por diyos por santo.

Ayan ha, free advice na yan. You are welcome.

Self Appointed Adviser,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *