Tokhang Via Raffle Draw

Dear DILG and PNP,

Ano naman po itong ginagawa niyo? Dropbox talaga ang pagreport sa mga suspected addict? Resibo.

Dati isang lugar lang to ngayon talaga gagawin niyong nationwide? Resibo.

Alam niyo ba kung ano ang puwedeng mangyari diyan?  Kahit ang walang kasalanan puwedeng ihulog sa dropbox. Halimbawa may taong gusto lang makaganti sa kaaway, puwede niyang ihulog na lang ang pangalan para matokhang.

Ang laki ng budget niyo tapos ipapasa niyo sa iba ang trabaho niyo? Resibo.

Alisin na lang natin ang intelligence fund, kung kay Aling Milagring lang naman kayo aasa ng intelligence.

Grabe sila oh. Hindi na kayo nadala sa nangyari kay kay Raymart Siapo. Resibo.

According to reports,

All it took was a false accusation for these people to murder my son,” Siapo, a single parent, said in an interview earlier this week. “They did not bother to investigate, they did not bother to verify. They just killed him.”

The night before the murder, Raymart and a neighbor had a heated argument that ended with the latter going to the barangay hall to accuse Raymart of many things, like selling marijuana. The neighbor, identified only as Pejie, said his piece before desk officer Christopher Cariquitan, who had everything recorded in the logbook.”

Paano na lang ngayon na dropbox na lang?  Ang daming matotokhang ng walang investigation man lang.

Nak ng poodle naman, laki ng budget sa intelligence pero yung mga propose solution parang hindi pinag-isipan.

Akala ko pa naman, the best and the brightest.  Kabaliktaran pala.

Eh paano kung ilagay ng mga tao ang pangalan ni Polong Duterte, totokhangin niyo ba sya? Duh.

Yamot sa mga Bobong Pabibo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *