Tokhang sa Mata ng Dayuhan

Dear Netizens,

Napanood ko tong video ng Al Jazeera, report eto sa sitwasyon dito sa atin. Matapang nilang nilahad ang laganap na patayan dito sa atin.

Totoo ang report na ang pinapatay lang ay mahihirap, ang mga drug lord nakakaligtas.  Duterte exaggerated the number of addicts para majustify ang lahat ng patayan. Hindi ba inalis niya ang Chairman ng Dangerous Drug Board kasi napahiya, kasi nabisto na exaggerated ang figures niya.

Naisip kaya ng administrasyong ito kung ano ang mangyayari sa pamilyang naiwan?  Kasi kung ang isang pamilya na namatayan ng Tatay na bumubuhay sa kanila,  paano sila kakain sa araw-araw? Paano sila makakapag -aral?  Magkakaroon lang ng cycle ang poverty. Mga batang walang makain, sisinghot na lang ng rugby para makalimutan ang gutom. Mga asawang nabalo, maaring magbenta na lang ng laman para buhayin ang pamilya.

Paano yung mga batang nakawitness sa pagbaril sa mga magulang nila?  May naihanda ba ang DSWD na psychological help sa mga bata?  Kasi trauma yun sa kanila and there is a possibility na magkaroon ito ng hindi magandang effect sa mga bata psychologically.

Madaling sabihin na buti nga para sa mga DDS, pero naisip niyo ba kung sakaling mga mahal niyo sa buhay ang biktima. At kung sakali man isa kayo sa matokhang ipaglalaban pa rin namin ang hustisya para sa inyo. Kaming mga netizen na tumututol sa ganitong klaseng kampanya laban sa droga ay nakikipaglaban hindi lang para sa amin, para rin sa inyo mga DDS. Kasi anyone can be a victim, Dilawan, DDS o neutral, lahat puwedeng mamatay sa Tokhang.

As you go to sleep tonight,  I want you to look at these pictures and ask yourself kung tama pa rin ang nangyayaring pagdanak ng dugo sa bansa natin.

Patuloy na Lalaban para sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *