An Open Letter to Senator JV and Senator Sonny

Dear Senator JV Ejercito and Senator Sonny Angara,

Hello po.

Nabasa ko po ang exchange of tweets nyo nung weekend. Nakapanlulumong basahin na tinatawag nyo na “armchair expert” yung mga taong nagbibigay ng opinion tungkol sa martial law declaration ni Duterte sa Mindanao.

Just to put everything in a proper perspective

Grabe naman kayo mang insulto sa mga taong nagvo voice out ng opinion nila. Dapat nga kayo mismo mag encourage sa kanila para malaman nyo ang pulso ng taong bayan. After all sila ang nagluklok sa inyo bilang senador.

Buti nga ang ibang tao naglakas loob mag convene at pagdiskusyunan kung tama o mali ang declaration ng presidente. Pero kayong dalawa at ibang senator, ni hindi nyo ginampanan ang tungkulin nyo to convene after 24 hours. Kung armchair expert kami, kayo ba ang “kunsintidor expert”?  Or “sipsip expert”?

Mas nakakahiya nga kayo kasi ang mga tinatawag nyong armchair expert ang gumagawa ng trabaho nyo sila pa ang nagpapasweldo sa inyo.

Kayo ang mga senador na dapat hindi na iboto ng taong bayan sa susunod na election. Aside from the fact you are insulting voting public you are also doing your job poorly. Nakakahiya!

Isang “armchair expert”,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *