Thinking Pinoy a.k.a. Balahurang Pinoy

Dear Thinking Pinoy,

Dumale na naman pala kayo sa KABALAHURAAN niyo po no? Just because sinabi ni VP na namulot sila ng mga gamit na pinaglumaan na doon sa Boston ay tinawag niyo na siyang “Basurera”.

Hindi mo ba alam sa sinabi mong yan ay para mo na ring nilait ang mga OFW natin?  Most of them ginagawa nila yan, kasi nga ang basura sa First World country ay halos bago pa at puwede pang magamit. Hindi basurera ang tawag sa kanila, mga PRACTICAL  na Ina, Ama, kapatid at anak ang tawag sa kanila. Bakit ka naman bibili ng bago kung meron naman na gamit na tinapon pero ayos pang gamitin? Ang mga OFW natin tinitiis ang lungkot para lang makapag padala ng mga gamit sa kanilang mga mahal sa buhay at hindi sila mga Basurero,  sila pa nga ang mga bagong Bayani eh.

Sa itim ng budhi mo, halos hindi mo na naiisip ang mga lumalabas sa bibig mo. Bilis mong makagawa ng panlait pero ang more than 350 million na junket ng Poong Digong mo tahimik ka?

Sabagay nakasama ka nga pala sa pagwaldas ng pera ng bayan kaya siyempre tahimik ka lang.

Mas mabuti na yung namumulot ng pre owned na gamit kaysa nang uuto ng mga followers. Remember?  When nagsolicit ka para sa byahe mo for Russia?  That’s the height of kakapalan ng mukha.

Tapos ngayon iinsultuhin mo si VP just because nagpaka practical sya?

Anong pinagsasabi mo na may dala syang media entourage?  Sinungaling ka. Matagal na naroon ang media to cover Marawi Siege. Mahilig ka talagang gumawa ng kwento no?  Kung makapag “lintik ka ” kay VP sobra pa sa hayup.

Pwes, “lintik din po kayo “.

Ihanda mo na itim mong damit kasi mukhang malapit nang matapos kasamaan niyong mga propagandista.

Kung ayaw niyong tumulong, wag niyong siraan ang taong gustong tumulong.

Hindi kasalanan ni VP Leni Robredo kung ginagampanan niya ang tungkulin niya. May mga tao lang talaga na maitim ang budhi na gaya mo, na sobrang makapanlait ng kapwa.

Mag ingat ka, digital na ang karma ngayon, inabutan na si Maharlika, baka ikaw na ang sumunod.

Galit sa Balahura,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *