The Upsilon Sigma Phi Leaked Convo

Dear Upsilon Sigma Phi,

Nabasa ko ang naleak niyo na chatroom. Nakakapanlumong basahin ang kabastusan.

MARCOS APOLOGIST

 

“#NeverAgain to democracy?” Hindi ko alam kung anong klaseng kasaysayan ang naituro sa inyo para mahalin niyo ang panahon ng Martial Law kung saan marami ang namatay at natorture. Nakakalungkot kung sa UP kayo nag-aaral pero ganito ang pananaw niyo sa panahon ng Martial Law.

GALIT SA MGA MUSLIM

 

Anong klaseng tao ang mag-iisip ng ganito sa kapwa nila? Kahit ano pa man ang paniniwala ng isang nilalang, hindi nila deserving bombahin or patayin sa anumang paraan. Martial Law ngayon sa Mindanao, maraming muslim ang namatay sa Marawi. Hindi niyo ba naisip ang kalagayan nila? Mga walang puso.

GALIT SA LUMAD

 

Anong klaseng hayop ang maghahangad nang kamatayan sa kawawa nila? Nakikita natin kung paano tinataboy ang mga lumad sa kanilang tirahan, tapos hinangad niyo pa silang patayin?

GALIT SA BABAYLAN

 

Talagang pinagplanuhan niyong saktan sila? At parang gagawin niyo pang drama ang lahat? Anong klaseng “lonsi” ang puwedeng makapag-isip ng ganyang kahayupan?

MABABA ANG TINGIN SA KABABAIHAN

 

 

Victim blaming talaga? Ano ba ang tinuro ng mga magulang niyo kung ano ang dapat na lugar ng kababaihan?

At eto pa.

 

 

Bobo din ba ang tingin niyo sa mga Nanay niyo at kapatid niyong babae?

BASTOS SA KABABAIHAN

Sobrang kabastusan, magtataka ka kung paano pinalaki ng mga ito ng mga magulang nila.

VIOLENCE AGAINST WOMEN

 

Para masira ang ovary? Demonyo lamang ang puwedeng mag-isip nito.

Hindi ko alam kung paano dinidisiplina ng inyong grupo ang mga miyembro na may ganitong klaseng pananaw. Pero sana maipakita niyo na may gagawin ang frat niyo na action sa nangyayaring ganito.

Hindi ganito ang mga taga Unibersidad ng Pilipinas. Hindi ganito ang mga Pilipino.

 

Nagagalit sa Kabalahuraan,

PAB

P.S. Hindi ko nilalahat ang member ng frat, pero sana may gawin kayong action pagkatapos nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *