The Manila Bay Clean Up Then And Now

Dear President Duterte,

Bilib po talaga ako sa in-charge sa PR niyo. Akalain niyo ang yearly na ginagawa na Manila Bay clean up ay nagawa niyong parang bonggang event. Good job sa mga DDS blogger and trolls.

Ayan malinis na, madami kasing magvolunteer. Gaya noong mga nakaraang taon.

 

 

Opo, yearly po ginagawa yan. As far as 2012 may mga clean-up na din po.

 

 

Hindi lang po kayo ang may political will. In fact nalinis na din yan dati noong January 2016. Hindi pa po kayo presidente noon. Panoorin niyo po ang video na to.

 

Eto po kasi ang problema talaga.

Yung nangyari po noong linggo ay pinulot niyo po ang mga basura at ibang plastis.  Coliform comes from feces and untreated sewage and septage water that flows to the major river basins/ waterways which ends up directly to the Manila Bay.

So basically yung ginawa niyo po ay band aid solution lang po. Sabi nga ng isa kong kaibigan na magvolunteer,

Until LGUs down to the barangay level, commercial establishments & residents get their act together and conform to RA 9275 (Clean water act) and RA 9003 (Solid waste Management), only then can we claim that we have accomplished something for Manila Bay.”

For now, ang lamang niyo lang po sa mga nakaraang clean up drive, kasi po OA maka describe minions niyo. Nevertheless, good job pa din, sana po kausapin niyo na din ang LGU para sa tuloy-tuloy na ang paglinis ng Manila Bay. Wag sanang ningas  kugon lang.

 

Natatawa sa mga OA,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *