The Leader We Want, the Leader We Deserve

Dear KaPAB,

Ang swerte ng Pasig City kasi yung bago nilang Mayor ay hindi epal.

 

 

Unang tinutukan ay ang odd even scheme na pahirap sa mga tao.

 

 

Pero ang pinaka recent na mapapabilib ka talaga ay ang pagpakita niya ng malasakit sa mga ordinaryong manggagawa.

 

 

Pahayag Ni Mayor Vico Sotto

“Mahigit isang buwan nang naka-strike ang unyon ng mga manggagawa ng ZAGU. Nakatanggap ako ng report na may naganap na karahasan sa picket line, kaya’t pumunta ako.

Kinausap ko ang mga tao ng management at binigyan ko sila ng pagkakataong ipaliwanag kung bakit sinusubukan nilang paalisin ang mga nagwewelga. Ang sagot ng admin-in-charge, pinapatupad lang daw nila ang TRO ng NLRC — ngunit malinaw naman sa TRO na puwedeng ipagpatuloy ang strike basta’t hindi ito nakaharang sa pagpasok/paglabas sa Zagu Foods Corp. (nasa gilid lang ang picket line kung saan naganap ang insidente.)

SA MAY-ARI AT MANAGEMENT NG ZAGU:

Hindi nangyari ito kung wala kayong mga empleyado na 10+ taon na, pero kontraktwal pa rin. Hindi nagkaroon ng strike kung nakipag negosyasyon kayo ng maayos. 5 buwan na ito sa NCMB, wala pa rin kayong maayos na offer/counter-offer. Bakit kailangang umabot sa karahasan?

SUMUNOD KAYO SA BATAS. GALANGIN NIYO ANG MGA KARAPATAN NG INYONG MANGGAGAWA.”

Nasa tamang lugar ang puso ng Mayor Ng Pasig.

 

Natutuwa Habang Nagmamasid,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *