The Last Man Standing is a Woman

Dear President Duterte,

Sinunog po kayo sa pahayag ni Vice President Leni Robredo.

05 October 2018

Pahayag ng Pangalawang Pangulo ukol sa binitiwang salita ni Pangulong Duterte:

Wala namang may gustong magkasakit ang Pangulo. Pero hindi dahilan ang sakit para maliitin na naman ako.

Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon, at libo-libong mga Pilipino ang pinatay.

Hindi ko ugali ang mamulitika; mas gusto kong tahimik na magtrabaho. Pero sasabihin ko ito ngayon: ang tapang, lakas, at diskarte, hindi nadadaan sa mapanirang salita. Ang kailangan ng taumbayan ay tapang sa gawa.

Umaksyon tayo sa problema ng bayan, kaysa puro sisi ang binabato: sa dating administrasyon, sa kanyang mga kritiko, sa akin. Sinumpaan naming mga lider na magtatrabaho kami para sa mga kapwa naming Pilipinong bumabangon araw-araw para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya.

Bumabangon ako araw-araw para gawin yan.

Tamad ka kasi, Mr. President, bully pa. Bleh.

Natatawa sa Nasunog na Bully,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *