Faura Has Fallen

Dear KaPAB,

Dumating na ang araw kung saan unti unti nang pinapatay ang demokrasya.

Kahapon ang vote ay 8-6.

Unang tingin palang alam mo na may mali. Kasi if yung limang mahistrado ay nag inhibit ang matitira sana ay 2. Or kahit si Aling Teresita nagkaroon ng delikadesa, yung boto nila ay pito na lang sana. They need 8, to oust CJ Sereno.

Hindi puwedeng icompare ang nangyari kay CJ Corona before. Kasi si Corona dumaan sa tamang process, ang impeachment.

Wala sa constitution ng bansa na puwedeng tanggalin via quo warranto ang isang impeachable officer na gaya ng chief justice.

Pilit binaliko ang batas ng Solicitor General ni Duterte. Alam ni Gadon na mahina ang kaso niya kaya naghanap sya ng kakampi.

Inalisan nila ng karapatan si CJ Sereno para ipagtanggol ang sarili niya sa proper forum.

Kahit ang mga senador na kaalyado ni Duterte ay pumapalag.

Kahit ang mga propesor sa iba’t -ibang law school ay pumalag.

Hindi na ito tungkol sa DDS o Dilawan. Tungkol na ito sa Saligang Batas. Ang Korte Suprema dapat ang magpapatupad sa batas ng tama eh. Pero ang nangyari kahapon ay isang pambabastos sa batas.

Tuluyang namatay ang demokrasya kahapon.

Hindi na ito ang oras ng pananahimik. Kailangan ng manindigan. Bayan na ang nakataya dito.

After CJ Sereno, isusunod nila si VP. Babalik na ba tayo sa dilim ng Martial Law?

May Takot Pero Lumalaban,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *