The Fall of Harry Roque

Dear Harry Roque,

Hanggang ngayon misteryo pa din sa akin kung paano mo nasisikmura ang trabaho mo araw-araw.

Dati kasama ka sa mga nakikipaglaban sa South China Sea.

Pero ngayon sinasabi mo pa na magpapasalamat tayo sa kanilang pananakop?

Dati tinututulan mo ang Martial Law, ngayon naman pinupuri mo sya.

Sabi mo pa noong 2016, maharip pag sinusupress ang freedom of expression, tapos ngayon para ka nang DDS na hindi nakikita ang katotohanan.

Noong August 2016, kinokondena mo ang ang drug war at ang simpatiya mo ay sa mahihirap na napapatay.

Tapos ngayon, sinasabi mo na successful siya. Successsful ang 20,000 na mga namatay? Luh, grabe sya?

Pero yung pinaka huli mong statement kung saan nilagay mo sa kapahamakan ang mga human rights advocates na gaya mo dati, ang talagang magpapatunay na complete na ang transformation mo sa dilim.

Namura ka tuloy ni Teddy Casiño.

Kasi naman bakit mo naman sinabi ito?

Nilagay mo sa kapahamakan ang mga Human Rights na dati mong kasamahan. For what? Para mapasama ka sa partido PDP Laban? Sa tingin mo ba after your total transformation sa kadiliman may boboto pa sa iyo?

Lahat ng pumupuna sa Poon niyo ginagawan niyo ng istorya para malink sa droga? Yun na lang lagi ang scapegoat niyo sa kapalpakan niyo no.

With the rate you are transforming baka nga even your friends will not vote for you eh.

Sayang, nalunod ka sa isang basong tubig.

Yamot sa Traydor sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *