The Daily Tribune, Nagkakalat Ng Fake News!

Dear KaPAB,

Akala natin si Mocha at ibang DDS blogger lang ang nagkakalat Ng fake news. Ngayon, sumabay na rin ang Daily Tribune.

Eto ang isang part na sinabi sa Daily Tribune.

Ang sabi ng fake news article ng Daily Tribune nakatira daw sa luxury mansion sa New Manila. 1 million daw ang rent at gobyerno ang nagbabayad.

Kung nagresearch lang ang sumulat ng article malalaman niya na fake news ang isusulat niya.

Mismo si VP Leni ang nagsabi na:

[A] FAKE NEWS ALERT!

“For the record: Opisina ni VP Leni, at hindi tahanan, ang Quezon City Reception House. Hindi rin totoo na P1 milyon ang halaga ng upa dito—sa katunayan, nirerentahan ito ng OVP mula sa Quezon City Government, sa halagang kalahati lamang kumpara sa binabayaran noon sa dating tanggapan ng Bise Presidente sa Coconut Palace. Wala ring katotohanan ang pagrenta ng hiwalay na mansion para sa mga security personnel.

Labanan natin ang mga kasinungalingan. Maging mapagmatyag at mapanuri sa mga nababasa.”

Maraming resibo na magpapatunay na fake news ang pinagsasabi ng Daily Tribune. Kaya siguro hindi nakalagay kung sino ang nagsulat kasi nahihiya sa pinagsasabi niya.

DDS ba ang Daily Tribune?

Yamot Sa Fake News,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *