The Legacy of Democracy Lives On

Dear Ms. Kris Aquino,

Nabasa ko po yung post niyo, kung paano niyo po pinagtanggol ang alaala ng EDSA.

Kris Aquino Facebook Post | Pinoy Ako Blog

Kris Aquino Facebook Post | Pinoy Ako Blog

Maraming salamat po at sinamahan niyo kami sa paglaban sa mga taong pilit binabago ang kasaysayan para sa pansariling interest nila.

Tama po kayo maaaring hindi perfect ang administration Mommy niyo pero noong mga panahong iyon, pinapalakpakan tayo ng ibang bansa. Resibo.

Nakakaproud maging OFW noon kasi hindi ka natatanong ng mga dayuhan na “Bakit ang bastos ng bibig ng Presidente niyo?”

Nang malagay sa TIME magazine as Person of the Year si Former President Cory Aquino, iyon ay dahil sa magandang contribution niya sa democracy.

Time Magazine Cory Aquino | Pinoy Ako Blog

Hindi tulad ngayon nalagay nga sa TIME magazine si President Duterte dahil naman sa patayan.

Time Magazine Rodrigo Duterte | Pinoy Ako Blog

Yung puso niyo po Ms. Kris alam namin na sa tamang lugar. Instead na gumanti sa patutsada sa yo ni Vice Mayor Polong Duterte, kayo pa ang nag offer ng peace. Sa divisiveness at hatred na pinagkakalat ng ibang bloggers mas pinili niyo po ang kapayapaan.

Hindi na rin po mabilang ang mga natulungan niyo. Mula sa  pagbabayad ng tamang buwis hanggang sa pagbibigay ng pabahay, education at pagtulong sa may sakit. Resibo.

Kris Aquino Stats | Pinoy Ako Blog

Pilit mang dinudungisan ang legacy ng Mommy mo at ng pamilya niyo, yung mga nagawa niyo namang kabutihan ang nagtatanggol para sa inyo.

Salamat po at kasama po namin kayo sa laban against sa kasinungalingan.

More power po!

Isang Avid Fan,

PAB

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *