Team Pilipinas, Binuhay Ang Boluntirismo Sa Puso Ng Pilipino

Dear KaPAB,

Ngayong araw nag kick-off ang kampanya sa national election. Makikita mo na sa iba’t-ibang panig ng bansa nagkaisa ang mga volunteers para tumulong sa kandidato ng oposisyon.

Kanya-kanyang nagdidistribute ng mga flyers at nagkabit ng tarpaulins sa mga sasakyan.

 

Hindi magarbong program gaya ng kandidato ng administrasyon, pero makikita mo ang pagsisikap ng bawat isa para tumulong sa kampanya ng oposisyon slate.

Nainitan man at napagod maglakad, hindi matatawaran ang ngiti ng mga kabataan.

Ang election ng 2019 ay ang magbabago ng landscape ng pulitika ng bansa. 

Kulelat man sa survey, walang perang pantapat sa mga mayayamang kandidato, pero sa huli ang puso ng boluntirismo ang magdadala sa walo sa Senado.

Kung ayaw mo na sa patayan, bastusan at mataas na presyo ng bilihin, tumaya tayo sa OtsoDiretso.

Babaguhin ng ordinaryong Tao ang kwento ng halalan 2019. Kasi tayo ang magpapanalo sa walo.

Ang laban ng walo ay laban ng bawat Pilipino!

 

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *