Tax sa Remittance Fee, ngayon Balikbayan Boxes naman.

Dear President Duterte,

Ano na naman po itong bagong regulation ng ipapatupad niyo sa mga ipapadalang balikbayan boxes  ng mga OFW natin. Hindi ko po maintindihan kung bakit niyo sila pinapahirapan.

Simula August 1, plano niyong higpitan ang mga pinapadala ng mga kababayan nating OFW.

Una plano niyong ipa itemized ang lahat ng ipapadala nila. Ultimo mga nakuha nilang second hand na gamit ipapalista niyo pa. OK lang sana kung walang mga nangyayaring nakawan sa mga balik bayan boxes nila, puwede yan. Ilang beses na po bang nangyari na pagdating sa pamilya nila ng balikbayan boxes kung hindi butas na ang box, may nawala ng mga gamit. Bago niyo sana gawin to, inayos niyo sana muna ang process para may protection naman ang pibaghirapan ng mga OFW natin.

Naiintindihan ko na kailangan may mga resibo ang mga brand new things na ipapadala. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan patunayan na Pilipino ang nagpadala?  Dapat ipakita ang Pilipino passport. Ano po ang connection?  Paano po kung may kaibigan ang isang Pilipino na American citizen at gustong magpadala sa kanya ng mga gamit na makakatulong sa kanya?  Ibig sabihin hindi niyo papayagan? Paano po yung mga Filipinong nakapag asawa nang foreigner at ang passport nila ay yung nationality ng napangasawa nila, ibig sabihin hindi na sila puwedeng magpadala sa mga kamag anak nila sa Pilipinas?

Sobrang pahirap sa mamamayan yang ginagawa niyo, Mr. President. Eto pa sa bagong rules niyo dapat kamag anak lang ang papadalhan sa Pilipinas?  Dapat kamag anak lang ang tatatangap. Paano po yung may mga fiancee na foreigner at gustong padalhan ang girlfriend nilang Filipina?  Hindi puwede yun?

Tapos pag may kulang sa mga requirements papatawan niyo na naman sila ng karagdagang buwis?

Luh sya, plano niyo na ngang patungan ang remittance fee nila ng buwis, pati ba naman balikbayan box hindi niyo pa pinatawad?

Maawa naman kayo sa mga OFW natin. Ang remittance  na nga lang nila  ang bumubuhay sa ekonomiya natin, papahirapan niyo pa.

Akala ko ba mahalaga po sila sa inyo?  Anyare, at pinapahirapan niyo sila ng ganito?

Naawa sa mga OFW,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *