Tapos Na Ang Boxing, Kamot Ulo Ang Mga Salarin

Dear Solicitor General Calida,

Nandoon ka ba sa hearing ni Senator Trillanes kanina? Kyah, palpak lahat ang witness mo. May umamin na nawala lahat ng applications ng 277 na tao na nag apply ng amnesty. So bakit si Senator Trillanes lang ang gusto  niyong ipakulong? Napaghahalata na political persecution talaga ang ginagawa niyo.

 

At saka Kyah, di ba sinabi ni Secretary Lorenzana, na tinawagan mo siya about sa mga papeles?

 

 

So nasaan na ang mga papeles Kyah? Kung naiwala ng DND sino ang dapat sisihin? Hindi ba negligence ito sa part ng gobyerno?

 

 

Huwag niyo lokohin ang taong bayan, alam naman namin na gawa-gawa lang naman ang kasong ito.

Kung kayo ang nakawala ng mga applications ng 277 katao na nag apply, hindi ba dapat ang sisihin niyo ang sarili niyo? At ang parusahan kung sino ang nakawala. But wait paano kung halimbawa ikaw ang nakawala, idedemanda mo ang sarili mo? Nyek, takot ka nga sumipot sa Senate hearing eh.

Tapos na ang boxing Boks, uwian na!

 

Natatawa ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *