Tama Si Vice President Leni Robredo

Dear President Duterte,

Tapos na ang long weekend. Sana naman pakinggan mo ang suggestion ni VP Leni at ng iba pa nating kababayan.

 

 

Dapat may imbestigasyon pa din na mangyari kung talagang seryoso kayo sa laban niyo kontra droga. Naiintindihan ko na matagal na kayong magkaibigan ni Lapeña at Bato.

 

Pero alalahanin mo, bilyones na halaga ng shabu ang pinag uusapan natin dito. Kung talagang mahalaga sa iyo ang bayan, dapat ang kapakanan ng bayan ang unahin at imbestigahan ang dapat imbestigahan.

 

Dalawang beses on record na nalusutan kayo ng bilyones na droga, yung una kay Faeldon, wala ring nangyari sa imbestigasyon. Pangalawa ngayon, pero instead na paimbestigahan niyo, napromote pa sa mas mataas na position.

Pag sachet, patay agad, pero pag bilyones worth na shabu, promoted? Pinagloloko niyo ba kami?

 

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *