Tama pala si Pnoy

Dear SSS contributor,

Karapatan niyong malaman kung ano na nangyayari sa agency kung saan inaasahan nyo na manggagaling ang pension niyo kung sakali kayo ay magretire.

Naaalala nyo po ba kung gaano ginamit sa election ang isyu ng hindi pagpirma ni PNoy sa 2000 increase sa mga pension sa SSS? Sinabihan na walang awa sa mahihirap at matatanda. Lahat ng batikos ay binato sa “dilawan”.

Sa nangyayari ngayon sa SSS mukhang tama si PNoy dati.

Ayun sa report, the state-run Social Security System (SSS) reported a 67 percent drop in its net revenue in the first quarter of the year, mainly due to the recently approved pension hike.

Dati po ang net revenue ng SSS ay umaabot ng 12 billion, ngayon biglang baba sa 4 billion.

Bagamat nag increase sila ng collections pero bumagsak pa din ang net revenue ng bilyon bilyon.

Sana makagawa ng paraan ang SSS management ng paraan para masustain ang kita ng SSS para naman may maabutan pa tayong pondo sa retirement age.

Mahirap talaga pag nagdedesisyon ng hindi pinag iisipan. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Umaasang may pension pagretire,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *