Tama Pala Si PNoy

Dear KaPAB,

Naalala niyo po ba noong panahon ng election na ginamit ang issue ng SSS kasi ayaw mag approve ni PNoy ng increase sa pension? Apparently, tama pala siya. Kasi ngayon may problema.

Ayun sa report, pag magkaroon ng another dagdag sa pension ang mga pensioner hanggang 2026 na lang sila makakapagbigay ng benefits. Yung unang 1000 na dagdag nabawasan na ng 10 years ang SSS fund life. From 2042 to 2032. Pag tinuloy uli yung another 1000 na dagdag, hanggang 2026 na lang.

Paano na lang ang mga magreretire 10 years from now? Wala na silang matatanggap. Minsan kasi bawat decision kailangan pag isipan talaga. Porke mabango sa taong bayan ibibigay na hindi nag iisip ng long term effect.

Itataas nila from 11% to 14% daw ang SSS contribution ng mga manggagawa na naman. So yung dinagdag sa sweldo na effect ng TRAIN ay wala din kasi mapupunta din sa increase ng contribution at sa mga gastusin kasi mataas na ang bilihin.

Ang hirap talaga kung wala masyadong alam sa economy ang namumuno, bara-bara lang ang decision.

Umaasang May Pension Pagretire,

PAB

P.S.

SSS: Hiking pension again next year will cut fund life to 2026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *