Tama Naman Si VP Leni Robredo Di Ba?

Dear KaPAB,

Mula na mangyari yung pambabastos ng isang dayuhan, may narinig ba kayong statement galing kay Duterte?

 

Ang masaklap pa, walang balak umaksyon ang DFA. Para sa kanya hindi ito importante.

 

Non issue daw ang pambabastos sa pulis. Ang sakit di ba? Inaagawan na nga ng huli ang ating mangingisda, tinatanggalan pa ng dangal ang ating mga kapulisan.

Tama si VP Leni Robredo. Isa itong pambabastos sa bansa natin na hindi dapat palampasin.

Hindi na nga umimik ang pangulo, tapos yung DFA walang balak ideport ang bastos na dayuhan, tapos may eepal pa na gaya nito ni Salceda.

 

 

Totoo naman di ba? Wake up call ito sa bansa. Na kahit “close” ang relationship natin with China, inaapi pa rin ang ating mangingisda at binabastos pa ang pulis.

 

Tama dito si VP Leni Robredo.

Halos sakupin na tayo at agawan ng trabaho ng mga dayuhang Intsik, tapos kahit bastusin tayo,  hindi man lang tayo maipagtanggol ng presidente natin.

Mabuti na lang kahit papano, nandiyan si VP Leni at handa tayong ipagtanggol at ipaglaban.

 

Yamot Sa Mga Tuta Ng China,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *