Sweldo pang Assistant Secretary, Ang Trabaho Escort

Dear Mocha Uson,

Nabasa ko ang di umanong accomplishment report mo Ate Girl. Luh, kung totoo yun madami ka pang nilista, pero parang iisa lang naman ang accomplishment. Escort ka ng Presidente.

Magkano ulit sweldo mo? P132,000.00

Hindi kaya lugi kami doon? Puro accompanied, attended, gala. Wala man lang bang devised,  pioneered, or improved man lang? Kasi kung yan lang naman ang trabaho mo, kuha na lang kaya kami ng tour guide, baka makamura pa ang gobyerno di ba?

Girl, sulitin mo naman ang sweldo mo, wag puro gala. Hirap na ang taong bayan sa TRAIN, tapos ang buwis namin, pinanggagala mo lang. Grabe siya.

Kailangan Magtipid Para sa Sweldo ni Mocha,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *