Suspended na Nga, Mukhang Bulag Pa

Dear Trixie Angeles,

Hindi ko alam kung matatawa ako or maaawa ako ng mabasa ko ang post mo.

Paano mo nasisikmurang pagtakpan ang kabulukan ni Calida? Sinisiraan sya? Luh sya, public documents yan di ba? At saka inamin na mismo ni Calida di ba na totoo na sa family niya ang company. Pero talagang pakapalan lang ng mukha at ayaw niyang magresign.

So anong paninirang pinagsasabi mo? Paano mo nakalimutan ang mga batas na pinag aralan mo sa law school? Nakakabulag ba ang maging consultant ng gobyerno? Alam mong may paglabag sa batas.

And yet ikaw kinukumbinsi mo ang sarili mo na hindi totoo. Sisihin ba ang oposisyon? Bakit? Inutusan ba sya ng opposition na tanggapin ang kontrata? Inutusan ba sya ng opposition na magpakasasa sa pera ng bayan? Huy, konting kahihiyan naman sa pagtatakip ng kapalpakan. Kaya ka nasususpend eh, sinungaling ka kasi.

Paninira daw, tse! Kwento mo sa pagong na puro gilagid.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *