The Supreme Court Saga

Dear KaPAB,

Dumadami na ang mga tauhan sa teleseryeng ito. Ating kilalanin sila.

1. Atty. Larry Gadon a.k.a. Genocide

Siya ang nagfile. Kumandidato pagka Senator, chummy chummy kay GMA at mga Marcoses. Ilang beses nang nahuling nagsinungaling. Resibo.

2.  Atty. Midas Marquez : Court Administrator

Sabi nila ang buhay ng judge ay boring. Hindi ka puwedeng magparty kasi nga naman baka may kakilala ka dun at maimpluwesyahan ka ng taong may kaso sa sala mo. Pero kamakailan kumalat ang picture na to.

Marquez, as Court Administrator,  a position equivalent to a justice. That is why he is sometimes referred to as “Justice Marquez.”

Parang conduct unbecoming sya, tapos DDS din pala si Kuya. Resibo.


Alam naman natin na kontra ni Duterte si CJ Sereno.

3. Congressman Umali, Chairman of Committee of Justice

Ang taong paulit ulit na kinukunsinti ang pagsisinungaling ni Gadon. Ang duty ng Committee is to hear the complaint, pero si Kuya kung magsalita para siya ang nagfile ng impeachment complaint.

Luh grabe sya oh, may pahalik halik pang nalalaman.

Parang sa last supper lang. May halik ni Hudas.

4. Associate Justice Teresita De Castro: “Ang Ampalaya”

Eto yung parang sa elementary na selection of officer na natalo at hirap magmove on. Yung bitterness sobra, kaya siguro kita sa aura niya. Sinabi nang bawal nga mag-party ang judge lalo na siguro ang Associate Justice ng Supreme Court. Pero base sa mga picture. Mukhang chummy chummy din with GMA si Atiii. Resibo.

Ito din ang isa sa mga Associate Justice pala na bumuto in favor para madismissed ang kasong plunder ni GMA.

Tingnan niyo ang smile nila oh. How sweet.

Para sa akin ang impeachment na to is all about PAGHIHIGANTI.

PAGHIHIGANTI ng isang baliw na gustong maghari sa lahat ng branches ng gobyerno.

PAGHIHIGANTI ng isang hirap mag move on na gustong umupo bilang Vice President kahit talo sa election.

PAGHIHIGANTI ng isang DDS kasi naitsapwera nung si CJ Sereno na ang naupo.

PAGHIHIGANTI ng isang bitter na tao porke hindi sya ang napiling Chief Justice.

Isang sarswela na impeachment, binabalahura ang constitution at sinasayang ang tax ng bayan dahil lamang sa mga taong may maitim na hangarin.

Let us protect our constitution. Let us protect our country. Let us stand with CJ Sereno.

Patuloy na Nagmamatyag,
PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *