Supply ng NFA Rice Namimiligro

Dear President Duterte,

Sabi ko na po sa yo dati, na hindi lang droga ang problema ng bayan.

May nagbabadyang problema sa food supply natin.  Ayun sa report,

“The National Food Authority has announced that the agency’s current buffer stock is good for only six days.”

The agency’s spokesperson said the NFA’s buffer stock requirement for June should be for 15 days and 30 days for July.

“Talagang napakanipis na ng stocks namin (Our stocks are really thin),” said NFA Spokesperson Mayette Ablaza.”

Pag komonti ang supply tapos mataas ang demand,  tataas na naman ang presyo ng bigas, kawawa na naman ang mga taong umaasa sa murang bigas.

Every time may sakuna, ang NFA rice ang binibigay agad natin, paano na lang kung ganyan kanipis ang supply?

Mr. President,  alam kong plano nyong matulog muna sa mga sumusunod na araw.

Pero sana masolusyunan niyo muna ang problema sa supply ng bigas.  Wag puro droga lang.

Pinapatay na nga ang mahihirap dahil sa Tokhang, tapos ngayon papatayin naman sila dahil sa gutom?

Maawa naman po kayo.

Nalulungkot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *