Sumosobra Na Ito Si Busy Presidente Leni Robredo!

Dear KaPAB,

Ngayon sa new normal natin kawawa ang mga bata na walang cellphone, tablet or computer para makapag participate sa pag-aaral.

Muli, si Busy Presidente Leni Robredo ay nangalap ng tulong para sa kabataan.

Galing ito sa page ni Busy Presidente Leni Robredo:

Umaarangkada na ang bayanihan para makapagbigay ng gadgets at equipment sa mga estudyante at guro!

 

Maraming, maraming salamat po sa mga kababayan natin na tumugon sa panawagan para sa extra gadgets at equipment, na makatutulong sa pagsasagawa ng Distance / Blended Learning. Sa ilalim ng donation drive na ito, na sinimulan ng ating #AngatBuhay partner na Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership, nakatanggap na tayo ng mga kagamitan tulad ng desktop computer, laptop, smartphone, tablet, TV, printer, powerbank, at pocket WiFi.

Bukas ang donation drive na ito para sa mas marami pang nagnanais tumulong. Basta nasa mabuti pang kondisyon, ang bawat device, gadget, o equipment na hindi niyo na ginagamit ay makakapagpagaan ng dinadala ng ating mga mag-aaral, guro, at magulang, sa pagharap sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo, ngayong nasa gitna tayo ng krisis.

Mahalaga kay VP Leni Robredo ang edukasyon, kaya sa kakarampot na budget pilit nilang inaabot ang mga nasa laylayan.

Tuloy-tuloy din ang tulong niya sa mga stranded nating kababayan, sa pamamagitan ng pamimigay ng hygiene kits at pagkain.

Mula sa simula pinakita ni Busy Presidente Leni Robredo na may epidemya man o wala nasa puso niya talaga ang pagtulong sa bawat Pilipino.

Ang galing niya no?

Humahanga Ng Lubos,

PAB

 

Facebook Comments