Suggestion for Mocha Uson

Dear Ate Mocha,

Nakabalik na po ba kayo mula sa London? Nagrequest po ako sa PCOO na bigyan ako ng kopya ng mga travel niyo. I hope mabigyan ako.

Ate, ngayong napasa na ang Free Tertiary Education Law, sana po matake advantage nyo po. Sa UP po maraming mga magaling na teacher sa English at public administration.

The reason why I’m convincing you para po sa professional growth niyo po.

Nabasa ko po itong post niyo.

Mali po ang term na ginamit nyo, baka ibig niyong sabihin rehabilitate. Pag restore po ibabalik niyo sila sa pagka adik. At saka ate, yung mega rehab na pinagmamalaki niyo di ba ang capacity nila ay 10,000? Tapos 53 lang ang narehabilitate kasi pinagpapatay na po.  Hindi po yun kailangan ipagmayabang. Pag kumuha kayo ng units sa communication subject sa UP malalaman niyo po kung anong mga term ang dapat gamitin.

The reason why kaya nirecommend ko din po ang public administration para malaman niyo po ang pasikot sikot sa gobyerno natin. At maiwasan niyo na din mag post ng ganito.

Ang mga project po ng gobyerno at mga benepisyong binibigay sa taong bayan ang ginagamit na pera po diyan ay galing sa buwis na binabayad ng taong bayan. Hindi po yan galing sa presidente. Malinaw po no?  At pag kumuha kayo ng public administration hindi na kayo magmumukhang tanga sa laging pagbabatikos kay VP.  Kasi kahit trabaho ng presidente ang hinahanap niyo po si VP. Ultimo pag silong ni VP binabatikos niyo. At least pag may knowledge na kayo sa public administration alam niyo na kung kailan dapat magsalita at kung kailan dapat manahimik.

Puwede din po kayo kumuha ng political science, para po maiwasan niyong maipost ng mga gaya nito.

Malalaman niyo po na walang Article 263 sa constitution natin. Malalaman niyo kung ano ang bill of rights na kung saan napapaloob ang due process na binabalewala mo ngayon  at higit sa lahat malalaman niyo ang mandate ng CHR. Para hindi niyo sila laging hinahanap pag may krimen.

Pero ang pinaka importanteng dapat niyong matutunan ay Values Education,  para hindi na kayo magsinungaling at magkalat ng fake news gaya nito:

Gumamit lang kayo ng larawan ng sundalo, mga  pulis pala na taga Honduras ang nasa litrato. Yun nga lang yung Values Education sa UP highschool yata yun tinuturo. Pero malay mo magkaroon ng special class ng Values Education sa college para lang sa yo, di ba?

Ayan ha dami ko nang narecommend na course for you, I’m sure UP education will be good for you!

Bagong Adviser ni Mocha,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *