Strength of the Vice President

Dear Vice President Leni Robredo,

Alam ko po medyo harsh ako sa last na sulat ko sa inyo. Maybe because of frustration or pain kasi as your supporter nasasaktan din ako pag binabastos kayo. That was tough love.

Today, pinakita mo sa mga Pilipino na handa niyong ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Maraming salamat po sa boses niyo.

Tama po kayo ang mga tao dun ay walang karemorse remorse.  Akala ni Thinking Pinoy dapat hangaan ang pambabalahura niya sa mga tao at kasama po kayo sa ginawan niya ng kabastusan.

Kahihiyan wala na siguro, makakapal na po ang mga mukha nila.

Ang kayabangan po ni Thinking Pinoy ay abot sa langit tulad ng kanyang kabastusan.

Marami na pong nagigising kailangan lamang ng boses na magtatanggol sa karapatan ng mga naaapi at mga nasa laylayan ng lipunan.

Maraming salamat po at narinig namin po ang stand niyo sa usaping ito.

Higit kailanman ngayon po natin kailangan magsalita. Ang demokrasya na meron tayo ay namimiligro. Gustong patalsikin ni Digong ang Ombudsman at Chief Justice. Nanganganib po ang independensya ng ating Justice System.

Sana po sa mga susunod na araw ang boses niyo po ang magiging gabay ng bawat Pilipino sa madilim na bahagi ng ating kasaysayan.

Maraming, maraming salamat po, Vice President Leni Robredo.

Mananatiling Supporter mo,

PAB

 

P. S. CTO of the photos.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *