STOP SPREADING FAKE NEWS!

Hello guys from the other side!

These last few days kanya kanya kayong tira ka Maria Ressa dahil sa di umano narinig nyo ang statement na sinabi ni Maria Ressa sa isang local station sa Canada na she received 90 “rape threats” per minute. Apparently ang pinagmulan ng balita ay isang tao na nagngangalang “Jojo Robles”. So siya pala po ang puno’t dulo ng bashing ni Maria Ressa.

Sir Jojo di ko po kayo kilala, kasi hindi naman kayo gaanong sikat sa mga propagandist. Siguro nasa Tier 4-5 kayo.  Eto po ang post niyo na shared ni Ate Mocha:

Nang sinabi yan ng friend nyo hindi man lang kayo nag verify ng kung totoo ang news o hindi? Basta na lang kayo nag post?  Tapos yung mga kasamahan niyo gawa agad ng Memes at post para maka encourage sa mga kakulto nyo na bastusin si Maria Ressa.

Uso po talaga sa inyong grupo  ang mag spread ng unverified news para mag create ng division at hatred? Tapos ng binabastos na ng sobra si Maria Ressa kayo na ang nagpipigil sa mga kakulto nyo to stop, ang ipokrito nyo rin no?

Since mukhang tamad kang mag research,  bibigyan kita ng link at screenshot ha. Ako na lang magreresearch for you, libre na lang, balato ko na sa yo. Yung local station po na tinutukoy ng friend niyo, eto po ang website :

http://www.cbc.ca/beta/news/world/democracy-as-we-know-it-is-dead-filipino-journalists-fight-fake-news-1.4086920

Kung naka free data ka po at hindi po nyo to maaccess, eto po ang screenshot:

Ayan po kumpleto na. Wala naman pong binanggit na “rape threat” tulad ng binanggit nyo po sa post nyo eh. Hindi ko po alam kung magiissue kayo ng apology sa kasinungalingang pinagkakalat nyo.  I am not sure if you have the balls to do  it.

You call yourselves “team pagbabago”?  More like team “PANGGAGAGO”. Ginagago nyo mga followers nyo sa pagkakalat ng fake news like this. Nakakahiya kayo.

Magresearch. Magtanong. Magbasa. Para hindi magmukhang tanga.

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *