STOP SHAIMING THE COUNTRY, DUTERTE!

STOP “SHAIMING” THE COUNTRY, DUTERTE!

Akala natin puro kadiliman na ang mangyayari sa bansa dahil sa kaliwat kanang patayan.

Akala natin wala nang katapusan ang madugo at marahas na pagbabagong ginagawa ni Duterte.

Akala natin hindi na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Danica, Trisha Mae at ang iba pang mga inosenteng bata na nadamay sa TOKHANG.

Sa pag-usad ng kaso sa International Criminal Court, unti unti na natin nakikita ang hustisya,natatanaw na natin ang pag -asa.

Nakakahiya lang kasi kung kailan tayo ang host sa 50th ASEAN saka pa nalaman ng buong mundo na our president is a MASS MURDERER. Mamamatay tao ang presidente ng Pilipinas ayun sa sinampang kaso.

Sa ganitong sitwasyon, wala pong nagpapahiya kay Duterte kung hindi sarili niya. FIRST TIME IN PHILIPPINES HISTORY na may kinasuhan na presidente sa International Court. NAKAKAHIYA sa mga karatig bansa na pupunta sa ASEAN. Kahihiyan sa Pilipinas ang dala ng administrasyong ito, pwera pa sa dalang kamatayan sa mga mahihirap.

Mapahiya man tayo sa ASEAN, at least magkakaroon ng katarungan ang kamatayan ng halos 9000 nating mga kababayan. Ang nangyari kay Saddam Hussein ay mangyayari din kay Duterte sampu ng kanyang mga kasamahan.

Tunay ngang HINDI NATUTULOG ANG DIYOS!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *