Stop the Killings, Start the Healing

Dear KaPAB,

Bakit ako nasa EDSA?

Sobra Isang taon  na ang nakakalipas, hindi na mabilang ang patayan. Ang dami nang nasawi. Hindi ko na kayang magkunwari na ok lang.

Bakit ako nasa EDSA?

2. Kasi kailangan na nating magising. Kailangan muli nating ipaintindi sa nanungkulan kung ano ang due process. Ilang inosente na ba ang namatay?

Bakit ako nasa EDSA

3. Kasi hindi ko kailangan mawalan ng mahal sa buhay para maintindihan na kailangan tumigil na ang patayan.

Bakit ako nasa EDSA

4. Kasi kailangan na nating magsalita at kondenahin ang kaliwa’t kanang patayan. Kailangan na nating lumabas sa social media at maglakad sa kalsada.

Bakit ako nasa EDSA?

5. Kasi bawat hakbang ko ay para kay Kian, bawat sigaw ko ay para kay Kulot. Bawat pagtaas ng kamao ko ay para sa sobrang 10,000 na namatay na walang due process.

Sama-sama po tayo sumigaw, magdalamhati at magkodena.

Lumalaban para sa Bayan,

PAB

P.S. CTO sa mga photos.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *