Spokesperson Ng MMDA, Wala Na Naman Sa Hulog Ang Hirit

Dear Celine Pialago,

Nag-iisip ka ba bago man lang magsalita?

Saan mo hinugot ang computation na ito para sabihin mo na kaya ng mga driver bayaran ang 2.2 milyon na modernized jeepney?

Oo maaaring magsasubsidize ang gobyerno sa halagang P80,000. Pero kailangan pa din nilang kumita ng P26,000 monthly or P800 daily para makabayad sa 2.2 milyon na uutangin.

Yung iba nga na kumikita ng P30,000 plus monthly, nagdadalawang isip pagkuha ng sasakyan worth 1 million, ang mga jeepney driver pa Kaya na gusto niyong ilibing sa 2.2 milyon na utang?

Walang problema sa pagkakaroon ng modernized jeepney sa lansangan, pero huwag naman sa paraang papatayin niyo ang pamilya ng mga jeepney drivers. Ano, hindi na sila kakain? Hindi na mag-aaral ang mga anak nila?

FYI, Ms. “Passed away”, may mga sikmura ang mga yan na kumakalam. Bakit kasi kailangan pang patungan niyo ng 6% interest? Pagkakakitaan niyo pa talaga mga jeepney driver no?

Bago ka humirit na kaya nilang magbayad sa utang na pilit niyong sinusubo sa kanila, ilagay mo muna ang sarili mo sa kalagayan nila, empathy ang tawag diyan. Isang bagay na kulang na kulang sa opisina niyo.

Pareho lang kayo ng amo mo.

 

Yamot Sa Mga Walang Awa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *