SONAloko Na Ang Speech!

Dear KaPAB,

Before nag SONA ang pangulo sabi ni Andanar ito daw ang magiging SONA ni Duterte.

Duterte started the SONA with TIRADES on the Lopezes and senator Franklin Drillon: “I am a casualty of the Lopezes during the 2016 elections,” he said.

Di pa nakamove-on from 2016 election. Optimism ba yun?

Fact check natin mga sinabi niya.

Inaakusahan niya na member daw si Drilon ng ACCRA na law firm na naghandle ng Manila Water Concession Agreement. Di naman totoo, kasi 1997 ang agreement napirmahan eh senator si Franklin Drilon from 1995-1998. Fake News!

Duterte also named Drilon as among individuals allegedly taking advantage of a “preoccupied government.”

Yung pinagmamalaking “Build, Build, Build” na 34% palang ang natapos? Significant ba yun?

Anong intervention ang pinagsasabi? Eh late nga tayo nag travel ban di ba? Tayo na ang first sa South East Asia ng Active positive cases.  Running to 90k na tayo, ano pinagsasabi niya?

We won? We were duped! Kasi palpak, from that 50 million Kaldero to accommodations ng mga players.

Pinagmalaki yung Martial Law sa Mindanao na wala daw violation ng human rights. Luh, based sa mga reports meron kaya.

Pres. Duterte urges the passing of the Coco Levy Bill but he vetoed the same bill back in 2019 citing “unconstitutional provisions.” The passage of the Coco Levy Bill was one of his campaign promises back in 2016. Ang gulo no? Ipass tapos iveto ulet? Luh siya.

Pagdating sa China, inutil talaga siya at inamin niya yun. Other countries hindi nererecognized ang rights ng China sa West Philippines Sea, pero tayo na nanalo sa arbitral ruling, yung presidente natin sinuko na ang karapatan ng bansa ng ganun-ganun na lang.

Yung pinagbantaan ang dalawang telco kasi dapat daw matawagan niya si Jesus sa Bethlehem by December? Luh, sa Nazareth naman nakatira si Jesus no?

Yung una pinuri niya ang mga utility companies, tapos ilang minuto lang lumipas, binatikos na? Parang may split personality ang Presidente no?

Yun nga fake news si Harry Roque. Sabi niya magpepresent daw ng road map to recovery sa economy. Wala naman. Parang sentiments lang yun ng presidente kay Senator Drilon eh.

Hay Pilipinas, State of the Philippines ba yun? Parang State of Duterte’s Mind yun eh.

Yamot Sa Incompetent,

PAB