Solomonic Decision Daw, Weh?

Dear President Duterte,

Sa international diplomacy aspect talagang failed talaga lagi decision niyo no?

Your socmed team ang nagdala sa 260,000 na OFW sa Kuwait sa alanganin.

Eto ang solution mo.

Papauwiin mo ang more than 250,000 na OFW? May masterplan ka ba incase umuwi sila? May maibibigay po ba kayong trabaho para maipakain sa pamilya nila?

Out of 260,000 OFW, around 171,000 ang domestic workers. Some of them are skilled workers na may mga pamilya na at doon na din nag aaral mga anak nila. Naisip niyo po ba yun? Alam niyo kung bakit pumalpak yan kasi mali na nga ang mga bloggers mo, mali pa kung paano mo sinolusyunan ang problema.

Ganito ang nangyari ha. Una may balak maging pabibo ang mga empleyado mo sa DFA at mga blogger mo na balak kumandidato.

1. Pumunta si Mocha sa Kuwait. Nag FB live sa planong covert operation. Kung tutuusin hindi si Thinking Pinoy ang unang nag spill ng covert operation. Yung peyborit niyo po, si Mocha Uson. Resibo.

2. Then pagtapos ng covert operation, nag unahan ang mga famewhore sa pag upload. Forwarded agad ni Tabio na tauhan ni Secretary Cayetano sa mga GC ang post ni Thinking Pinoy.

That screenshot came from a DDS account Imee Callao.

3. Ngayon kay TP profile kinuha ang link na forwarded sa DDS chatroom.

4. Nang magkaletse letse na, nag apologize si Secretary Cayetano at the same time sinabi niya na hindi mali ang ginawa, so ang sorry niya napawalang bisa kasi nagjustify pa siya.

5. Kayo naman po, instead of talking sa head of state ng Kuwait, ang kinausap niyo ay ang ambassador lang nila, hindi niyo ba alam na walang say din naman yun sa pagdecide ng kapalaran ng OFW? Tapos etong peyborit mo na si Mocha, pinangunahan agad ang decision, nakita ka lang na kausap ng ambassador, post agad.

6. Ngayon sumasabay pa si Sass Rogando Sasot na tuwang tuwa na nacancel na ang MOU with Kuwait.

At ang mga post na ganito ang nagpapalala ng gusot.

Ang cancellation ng MOU ay hindi dapat ipagdiwang kasi para to sana sa mga OFW eh. Pero ang mga bloggers mo at mga cabinet mo ang nagpapahamak sa kanila.

Nakikita niyo po ba kung paano kayo napapaligiran ng kapalpakan?

No wonder moronic ang tingin ng iba sa decision mo. Kasi naman instead panagutin mo ang mga may sala sa gulong ito, ang mga 260,000 OFW ng sinakripisyo mo.

Tsk, tsk, tsk.

Yamot sa mga Hindi Nag-iisip,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *