”Solicitor” of Government Contracts

Dear SolGen Calida,

Dapat pala po ang itawag ko po sa inyo ay SolGov, kasi para kayong nagsosolicit ng mga project sa gobyerno. Akala ko dati yung 40 million lang. Only to find out P150,000,000.00 pala ang nakuha niyong kontrata.

Luh, grabe siya oh, hindi pa nag iinit ang puwet sa pagkaupo, nangontrata na agad. Kumikitang kabuhayan ang pamilya natin no? Baka po nakalimutan niyo

 

Clearly, as a public official you are violating a law here. Huwag niyong sasabihin na its none of our business kasi pera namin ang binabayad sa kontrata na pinasukan ng kompanya mo.

Saan po kayo humuhugot ng kapal ng mukha? I am asking that literally and figuratively.  Kung si Secretary Wanda Teo, nagresign samantala kapatid lang siya ng may ari ng Bitag, siguro dapat mas dapat kang magresign kasi 60% of the Vigilant Investigative and Security Agency ay pag-aari mo at ng pamilya mo. Yun naman ay kung may delikadesa ka talaga.

Wala akong pakialam kung magkaroon ka man ng 10 kabit, ang pinapakialaamanan ko lang ay ang buwis ko na ginagawa niyong kumikitang kabuhayan.  Kadiri ka.

Galit sa Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *